Inspirasyon sa mga netizen ang hatid ng isang retiradong guro mula sa Philippine Science High School o PISAY matapos niyang bumalik sa pagtuturo---hindi sa dating paaralan kundi sa lansangan para sa mga bata sa kanilang barangay, na tinawag niyang "Eskwelahang Munti".

Ibinahagi ni Teacher Delfin Angeles sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 2 kung paano niya naisipang gawin ang kaniyang pagtuturo. Nagbalik nang kaunti si Teacher Delfin sa kaniyang nakalipas, noong nagtuturo pa siya sa mga paaralan.

"My very first students were Grade 5 kids in a Marcos type classroom in Mayapa, Canlubang, Laguna. That was Catechism which served both requirements for practice teaching and youth civic action or YCAP. Year was 1975. Mayapa Elementary School now stands as a 3-story concrete building," aniya.

"Today, I again have graders in our Eskwelahang Munti in our street."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"As I water and tend my plants by the street sides, children came around asking me, 'Lolo, anong plant 'yan?" I got to know them and at random I asked them, 6x7? or 8+7? or to say something in English. One day, they said 'Lolo, turuan mo kami.'"

Araw-araw daw ay naghahanda si Teacher Delfin ng mga aralin para sa Math, English, at Science para sa mga batang ito. Humingi raw siya ng tulong sa mga kaibigan para sa mga materyales na gagamitin ng mga bata.

"Now we have face to face class. I prepare math, english, science lessons; I asked friends for old pencils, ball pens, crayons. I cut cardboard boxes to A4 size, from the grocery, to make clipboards for writing. Since then, they have ceased calling me lolo. Now, it is, 'teacher!" No, I won't teach falling bodies, though I did teach them balancing equations!! (When it rains, classes are suspended, all levels.)"

Ibinahagi naman ang nakaaantig na Facebook post ni Teacher Delfin sa page na "Akap Guro Connected". Isang dating kasamahang guro ni Teacher Delfin na si Teacher Gladys Ann Malto naman ang nagbahagi rin nito sa kaniyang Facebook post, at tinawag ang retiradong guro na isang superhero.

"Real heroes don’t just wear Capes, they teach! Praise and honor to one silent hero. You have served Pisay for how many years and now the community children as you retire. Truly Sir, you are to be praised for your passion and commitment to service. Indeed, you are making a difference! So proud of you, Sir Delfin Angeles!" aniya sa kaniyang FB post noong Mayo 17.

“Gusto ng mga bata na sila ay turuan; isang bagay na hindi niya kayang tanggihan. Dito na nagsimula ang kanilang turuan sa kalye, kahit walang upuan,” kuwento pa umano ni Teacher Gladys sa Akap Guro Connected.

Saludo kami sa iyo, Teacher Delfin! Isa kang tunay na bayani!