TABUK CITY, Kalinga – Dead on the spot ang isang nurse nang bumagsak sa zipline o ang tinatawag na ‘Slide for Life’ noong hapon ng Hunyo 12 sa Camp L & C, Sitio Gapang, Brgy. Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga.

Nakilala ang biktimang si Paul Herbert Pallaya Gaayon, 31, may-asawa, residente ng Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga at kasalukuyang nurse sa Kalinga Provincial Hospital.

Ayon kay Lt. Ryan Antonio, imbestigador ng Tabuk City Police Station, nasaksihan ng kapatid ng biktimana si Bernard Pallaya Gaayon 34, miyembro ng PNP-Special Action Force, ang insidente dakong alas 4:45 ng hapon, matagumpay na sinubukan ng biktima ang isangzip linena aakyat sa isang tali at babagsakan ay swimming pool, na sa unang pagkakataon ay nagawa nitong ligtas.

Ngunit noong tinangka muli ng biktima na ulitin ito, nadulas at bumitaw sa pagkakahawak ang isang kamay nito sa tali at bumagsak sa gilid ng pool na semento.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Walang malay na isinugod ang biktima sa Kalinga Provincial Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ni attending physician Dr. Bernard Wandaga.