Hindi na umano hahayaan ng singer na si Ice Seguerra na mapangibabawan siya ng takot at maging hadlang ito upang maipakita ang totoong sarili, lalo na sa pagiging artist.
Ibinahagi ni Ice ang isang quote card tungkol sa resistance at self-doubt, sa kaniyang Instagram post nitong Hunyo 13, 2022. Mababasa ang ganito sa quote card: "Self-doubt can be an ally. This is because it serves as an indicator of aspiration. It reflects love, love of something we dream of doing, and desire, desire to do it."
"If you find yourself asking yourself (and your friends), 'Am I really a writer? Am I really an artist?' chances are you are."
"The counterfeit innovator is wildly self-confident. The real one is scared to death."
Nagpaliwanag naman siya sa kaniyang caption.
"As artists, we are all familiar with the whole concept of uncertainty. Nabubuhay tayo nang walang kasiguraduhan, just to pursue our passion. When I was younger, mas matapang ako to follow my dreams. Pero di pa rin ganon katapang kasi alam kong may responsibilidad akong kailangan gampanan."
"But as I got older, I became comfortable. I've shielded myself from failure and pain, and in doing so, I built a huge wall. Looking back, I've come to realize that it's the worst mistake to make when you're an artist."
Dahil daw sa takot na magkamali at pagiging 'safe' ay nakalimutan na niyang mag-grow bilang isang artist, na isang malaking pagkakamali raw. Naging dahilan daw ito upang huminto siya sa pangangarap nang mas malaki para sa kaniyang sarili.
"I have resisted my soul's growth in exchange of being 'safe'. I stopped dreaming big coz I was afraid to fail."
"I cannot do that anymore. I can't let fear stop me from being who I really am," aniya.
Nagsimula ang career ni Ice bilang si "Aiza Seguerra" na nakilala bilang isang contestant sa "Little Miss Philippines" sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga" na nagbukas ng oportunidad sa kaniya bilang isang child star.
Pinasok niya ang pag-awit at noong 2001, pumatok at naging number 1 sa hit charts ang awitin niyang "Pagdating ng Panahon."
2007 nang mag-come out si Aiza bilang isang lesbian, hanggang sa noong 2014 ay kilalanin na niya ang sarili bilang isang transgender man.
Ikinasal sila ng kaniyang partner na si appointed Chairperson ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Diño sa California, USA.