Umaani ng reaksiyon at komento hanggang ngayon ang tweet ng lead vocalist ng bandang "True Faith" na si Medwin Marfil, tungkol sa pagpasok umano ng bagong 'golden age' sa Pilipinas---presyong ginto na raw o mahal ang mga bilihin.
"We are now entering a new 'golden age,'" ayon sa tweet ni Marfil noong Hunyo 8.
"Presyong ginto na ang mga basic commodities."
"Unity!"
Isang netizen naman ang nagkomento at kumuwestyon sa pagiging tagasuporta niya ng Leni-Kiko tandem. Kung halimbawang nanalo raw si outgoing Vice President Leni Robredo ay tiyak daw na ibang 'tono' ang sasabihin niya hinggil sa inflation.
"Let's face it. If Leni won, which didn't happen, you pinks would sing a different tune regarding this inflation - which by the way, has nothing to do with the FUTURE admin. Yup, he hasn't even sworn into office yet, but it's his fault, right?"
Kaagad namang rumesbak dito ang bokalista.
"Walang nakasaad jan na kasalanan niya."
"Pag nanalo si Leni, ang sasabihin ng mga pinks sa panahon ng kahirapan ngayon: 'Papunta pa lang tayo sa exciting na part.'”
"Eh win daw si Baby M. Eh di, 'Unity!'"
"Gets?"
Hindi na tumugon dito ang naturang netizen, ngunit isa pang Twitter user ang nagsabi na "Palusot ka pa!"
Hindi na rin tumugon si Marfil sa iba pang mga netizen na nagkomento sa kaniyang tweet.