Humingi ng paumanhin si outgoing President Duterte sa pagpayag niya sa mga operasyon ng e-sabong na nauwi sa adiksyon kagaya ng kaso ng iligal na droga.

Sinabi ni Duterte na hindi niya alam na ang mga Pilipino ay maaaring maakit dito dahil hindi siya isang sugarol. Paliwanag niya, nais lamang niyang magkaroon ng kita para sa gobyerno mula sa mga buwis sa e-sabong sa gitna ng Covid-19 crisis.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo sa pag-inspeksyon sa main campus ng National Academy of Sports noong Martes sa Tarlac, kung saan tinalakay niya sa ika-apat na pagkakataon ang mga banta ng ilegal na droga.

“The moving factor there was naimbyerna kasi ako,” dagdag niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sunod na humingi ng paumanhin ang Pangulo na aniya'y huli na.

“Hindi ko naman akalain na ganon,” dagdag niya.

Noong unang bahagi ng Mayo, ipinag-utos ni Duterte ang agarang pagwawakas ng e-sabong operations matapos malaman ang negatibong epekto nito sa mamamayan.

‘“Yung amin lang sana buwis lang ang ihabol namin dito sinabi ko na sa inyo. 640 million,” sabi noon ni Duterte.

“But may naririnig na ako loud and very clear to me that it was working against our values and yung impact sa pamilya pati sa tao,” dagdag niya.

Joseph Pedrajas