Patuloy na nakakakuha ng higit na “lakas” sa House of Representatives ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Mula sa 50 miyembro, 52 na ngayon ang lakas ng Lakas-CMD sa mababang kamara, bagong dagdag sina Bulacan Rep. Salvador “Ador” Pleyto Sr. at Nueva Ecija Rep. Emeng Pascual sa grupo ng partido.

Ang Lakas-CMD President at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez ang nanguna sa oath-taking kina Pleyto at Pascual sa punong-tanggapan ng partido sa Mandaluyong City bandang alas-4 ng hapon, Martes.

“Our partners in our call for unity are growing by the day. This is no surprise since the just-concluded May elections showed everyone that the Filipino people prefer unity right now, with the stake as high as they are in order for our country to fully recover from the COVID-19 pandemic,” anang outgoing majority leader.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa parehong kaganapan, siyam na kongresista-miyembro ng Lakas-CMD mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang pormal na nanumpa ng kanilang seremonyal, dahilan para lalo pang tumatag ang partido.

Kabilang sa mga nanumpa kay Romualdez sina Reps Daphne Lagon (Cebu), David “Jayjay” C. Suarez (Quezon), Emmarie “Lolypop” M. Ouano-Dizon (Mandaue City), Edsel Galeos (Cebu), Arnan C. Panaligan (Oriental Mindoro), Faustino Michael Carlos T. Dy III (Isabela), Steve Solon (Sarangani), Prinsesa Rihan M. Sakaluran (Sultan Kudarat), at Jinky Bitrics Luistro (Batangas.

Sinabi ni Romualdez na ang siyam na mambabatas ay bahagi na ng 52 kasapi ng Lakas sa House of Representatives.

Ang isang kamakailang bugso ng oath-takings ay naging dahilan ng paglobo ng mga miyembro ng Lakas mula 27 hanggang 52.

Si Romualdez ay presidente ng Lakas-CMD, isa sa pinakamatanda at pinakarespetadong partido pulitikal sa bansa. Nauna nang nagpahayag ng tiwala ang ilang tagapamasid na siya ay karapat-dapat na House Speaker sa darating na 19th Congress.

Si Romualdez ay isang abogado mula sa University of the Philippines (UP) at presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa). Nagsilbi rin siya bilang isa sa dalawang campaign manager ni Vice President-elect Sara Duterte noong nakaraang panahon ng halalan.

Naglabas ang Lakas-CMD ng dalawang punong ehekutibo, sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Ellson Quismorio