Libu-libo ang nakilahok sa isinagawang World Naked Bike Ride sa Mexico at London nitong Sabado at Linggo na may layuning  mabigyan sila ng sapat na karapatan sa pagbibisikleta at upang maipakita ang panganib sa kanilang buhay habang nasa lansangan.

Bukod sa Mexico City at London, nakilahok din sa bike ride angBuenos Aires,Melbourne, Vienna, SaoPaolo, Vancouver, Copenhagen, Paris, Thessaloniki,Tel Avivat Tokyo.

Karamihan sa mga nakibahagisa annual eventaynagpapinturang slogan, bukod pa sa mga glitters na ibinudbodsa maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Layunin din ng World Naked Bike Ride na nasa ika-18 taon nang isinasagawa mula nang simulan ito noong 2004, na mawala ang kulturang paggamit ng mga kotse sa London.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Noong nakaraang taon, aabot sa 1,421 na siklista ang lumahok sa kabila ng ipinatutupad na coronavirus disease 2019 (Covid-19) risk reduction measures.

Sa Mexico City, nagsuot naman ng Day of the Dead masks ang libu-libong kalahok sa pagdiriwang na isinagawa nitong Hunyo 11.