Natukoy na ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking nakamotorsiklo na naaksidente at nahulog mula sa Aurora flyover sa EDSA bago bumagsak sa riles ng Metro Rail Transit (MRT 3) na agad nilang ikinamatay nitong Hunyo 12.

Kinilala ni City Police Chief, Col. Cesar Paday-os ang magpinsan na biktima na sina Rudy Gliocam, 41,driver, residente ng 2755 Ilaw Paulino St., Balut Tondo, Manila, at Reynaldo Gliocam, nasa hustong gulang, backrider, na kapwa dead on the spot dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni SSg Rootch Miranda, dakong 6:35 ng gabi nitong Linggo, nahulog at bumagsak ang mga biktima sa loob ng rail tracks ng Metro Rail Transit (MRT 3) na nasa ilalim ng Tramo Flyover,Pasay City na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng magpinsan.

Sakay ang dalawang biktima ng isang Keeway motorcycle MV File #1881-0053824 kung saan pagsapit pakurbang bahagi ng flyover ay biglang nawalan ng kontrol si Rudy Gliocam dahil madulas ang kalsada na nagresulta ng kanilang pagkakaaksidente at pagkahulog sa northbound ng riles ng MRT 3 malapit sa EDSA Taft station.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Naiwan ang motorsiklo ng mga biktima sa nabanggit na flyover.

Batay sa pahayag ng misis ni Reynaldo Gliocam na si Honelyn, Linggo ng umaga nagpaalam ang kanyang mister na sunduin ang may sakit niyong ama sa Sampaloc, Maynila at dadalhin sa a sa Tondo.

Subalit pagsapit ng gabi ay hindi pa nakakabalik ng bahay si Reynaldo kaya tinatawagan niya ang mister pero hindi sumasagot hanggang sa nakatanggap siya ng tawag at pinapapunta siya sa tanggapan ng Pasay PNP Traffic Investigation Unit.

Nagsagawa naman ng kaukulang pagproseso at pagsisiyasat ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng aksidente na natapos bandang 10:45 ng gabi.

Ang mga labi ng magpinsan ay nakalagak sa Veronica Funeral Chapels.