May pasaring ang kumandidatong senador na si dating Ifugao governor Teddy Baguilat, Jr. tungkol sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sa kaniyang Twitter account, niretweet niya ang tweet ng isang news outlet tungkol sa nilagay na larawan ng Manila Bay bago at pagkatapos ng rehabilitasyon nito.

"Cosmetics. Tinakpan ang mga blemish at tigyawat ng makapal at mahal na make up," saad ni Baguilat.

"Dive tayo sa dagat and we will see how much garbage is there," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1536194735471091714

Noong Mayo 31, nanawagan din si Baguilat sasusunod na magiging bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.

“I hope the first official act of new DENR Secretary is to not spend on Dolomite maintenance. Di naman puede lumangoy don” sabi ni Baguilat.

“Spend na lang on mangrove refo[reforestation], coral reef rehab[rehabilitation], coastal cleanup, forest protection,” dagdag pa ni Baguilat.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/31/baguilat-may-panawagan-sa-bagong-denr-chief-i-hope-the-first-official-act-is-to-not-spend-on-dolomite-maintenance/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/31/baguilat-may-panawagan-sa-bagong-denr-chief-i-hope-the-first-official-act-is-to-not-spend-on-dolomite-maintenance/

Matatandaang naging kontrobersyal ang Dolomite Beach sa Manila Bay noong 2020, kasagsagan ng pandemya, dahil umabot sa mahigit P389 million ang halaga ng proyekto ito ng DENR.

Nagpahayag ng saloobin sa social media ang publiko noon dahil sa paggastos ng malaking halaga sa gitna ng pandemya.