Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram posts nitong Hunyo 11 na finally ay tila "nagkabati" na sila nina outgoing Senate President Tito Sotto III, tita niyang si Helen Gamboa, Ciara Sotto at iba pa niyang pinsan.

Matatandaang nagkabanggaan sa kandidatura sa pagkapangalawang pangulo sina Tito at mister ni Shawie na si outgoing Senator Kiko Pangilinan sa nagdaang halalan.

Bago iyon, sinabi muna ni Mega na kababalik lamang niya mula sa nakapapagod na taping ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano".

Sumunod, ipinakita niya ang litrato nila ng kaniyang Mama Helen habang nakaupo sila sa isang sofa at magkayakap. May caption itong "Mama. Tonight."

Tsika at Intriga

Joshua Garcia, pinagkaguluhan sa Siargao; 'di na-enjoy ang bakasyon?

Pagkatapos, sa isa pang IG post ay makikita naman ang litrato nila ni Tito na may caption na "Daddy."

At panghuli, kasama ni Ciara at iba pa niyang mga pinsan. Makikitang nakayakap sa kaniya si Ciara.

"My sisters and me. Tonight," wika ni Shawie sa caption.

Matatandaang inamin ni Shawie sa isa sa mga naging sortie ng Leni-Kiko tandem na ang nagdaang halalan ang pinakamahirap sa kaniya dahil sa pagkakatapat ng kaniyang mister at itinuturing na pangalawang ama.