Nakikita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magandang hakbang o solusyon ang pagtitipid, lalo na ngayong panahon na apektado ang lahat dahil sa tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, mas higit na kailangan magtipid, ayon sa MMDA.

Naglabas din ng tipid tips ang ahensya sa mga motorista.

Sinabi ng MMDA na kailangang i-check ang mga gulong ng sasakyan at tiyaking may sapat na hangin ito. 

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Dahilan ng ahensya, mas magastos sa gasolina kung malambot ang gulong.

Mainam din umano ang maagang pagpaplano sa gagawing pagbiyahe upang mapaghandaan ang mga kakailanganin at makaiwas sa ano mang abala o aberya.