Hindi basta-basta pakakawalan ng CEO at may-ari ng isang beauty product si Kapamilya actress Andrea Brillantes bilang endorser, kahit na binabatbat ito ng mga intriga at pinapatanggal sa kaniya, dahil sa pagiging solid na tagasuporta ni outgoing Vice President Leni Robredo.
Nagsimula ang panawagang i-boycott ang mga produkto ng Brilliant Skin Essentials, Inc. ni Glenda Victorio nang okrayin umano ni Andrea ang mga tagasuporta at bumoto kina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/andrea-pinapaligwak-ceo-ng-ineendorsong-beauty-product-may-pakiusap-sa-uniteam-supporters/">https://balita.net.ph/2022/05/12/andrea-pinapaligwak-ceo-ng-ineendorsong-beauty-product-may-pakiusap-sa-uniteam-supporters/
Ayon kay Glenda, malaki ang utang na loob niya kay Andrea. Itinampok niya ito sa kaniyang vlog na umere nitong Linggo, Hunyo 12.
"On this episode, MAS makikilala pa natin ang isang Andrea Brillantes at ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay
'she overcame everything that was meant to destroy her'," saad ni Glenda sa caption ng kaniyang Facebook post nitong Hunyo 11.
"At naniniwala ako na hindi natin dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nariyan noong walang-wala pa tayo. Sa daming issues na kinaharap ng Brilliant Skin, nanatili siya sa tabi ko at patuloy kaming sinuportahan," giit pa ni Glenda.
Love na love daw ni Glenda si Andrea dahil bata pa lamang, strong woman na ito.
"Kayang sobrang love na love ko ‘tong batang ‘to!"
"Halos parehas kami ng kinalakihan dahil mga grandparents din niya ang nagpalaki sa kaniya."
"Sa murang edad, sobrang strong nitong batang ito at doon ko siya mas lalong inadmire."
"Kapag mahal at gusto mo talaga ang ginagawa mo, kahit nakakapagod, hinding-hindi mo talaga susukuan," papuri pa ni Glenda kay Andrea.
Mapapanood ang vlog kay Andrea sa segment na "Who's in My Van" sa YouTube channel ni Glenda Victorio.