Nagpahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kahandaan para sa Oplan Balik Eskwela 2022 upang siguruhin ang ligtas na pagbabalik ng 100% face-to-face classes sa bansa sa darating na Agosto.

Sinabi ni Atty. Victor Nuñez, Head of MMDA Traffic Discipline Office (TDO) - Enforcement, nangangako ang ahensya na protektahan ang mga bata na bibiyahe patungong mga paaralan bilang paghahandan sa academic year 2022-2023.

"We will have a meeting with the school administrators, Parent-Teacher Associations (PTA), and local traffic bureaus in the National Capital Region to discuss road safety checks in school zones," sabi ni Nuñez sa gitna ng selebrasyon ng National Safe Kids Week na idinaos sa MMDA Traffic Academy sa Sta. Mesa, Manila.

“Let me emphasize that road safety is a shared responsibility. We will ensure that enforcement of traffic laws, in constant coordination with the Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), are in place to keep tabs on motorists to protect the safety of vulnerable road users,” dagdag pa niya. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Nuñez, muling pipinturahan ang pedestrian lanes sa mga bisinidad ng eskwelahan sa Metro Manila. 

Bukod pa rito, ang MMDA ay may Children’s Road Safety Park sa Adriatico, Maynila na layuning ipakilala sa mga bata ang mas malalim na pang-unawa ukol sa kaligtasan sa kalsada at disiplina sa trapiko.

Inihayag naman ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor na importante ang pag-aangat sa kamalayan ng lahat ng gumagamit sa kalsada at  ng pagpapatupad ng road safety interventions.

“Our primary advocacy is to strictly enforce existing road safety laws. Children go out of their houses and take public transportation to go to school. Hence, we have to protect them as we embark on the full implementation of face-to-face classes,” ani Pastor.

Samantala, binigyang diin naman ni Roberto Valera, LTO Law Enforcement Service Deputy Director kung bakit napaka-importante ang pagpapatupad ng road safety laws.

“LTO is a road safety advocate. A strong, sustained, and highly visible enforcement are needed to prevent road crash incidents involving children,” ayon pa kay Valera.