Malugod na ipinagmalaki ng re-elected mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na 'unqualified opinion' ang nakuha ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Commission on Audit o COA; nangangahulugang tapat, malinis, at mahusay ang pamamahala sa kaban ng bayan.

"Tapat. Malinis. Mahusay na pamamahala. Walang korapsyon,"

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

https://twitter.com/QCMayorJoy/status/1535905669681135617

QCitizens, alam n'yo bang isa lang ang ipinaglalaban ni Mayor Joy mula pa noong siya'y unang tumakbo bilang alkalde ng lungsod Quezon? Iyon ay ang 'good governance' o mahusay at mabuting pamamahala sa lungsod," ayon sa tweet ni Mayor Belmonte nitong Hunyo 12, 2022.

"Sa pagsulong nito, iba't ibang pagkilala na ang nakamit ng ating lungsod, kabilang na dito ang pinakamataas na gawad na ibinibigay ng Commission on Audit o COA, ang 'unqualified opinion'," aniya pa.

"Sa buong kasaysayan ng lungsod, ito ang unang pagkakataong makatanggap ang QC ng "unqualified opinion" mula sa COA. Ibig sabihin, TAPAT at MALINIS ang pamamahala ng inyong gobyerno sa kaban ng Bayan."

"Talagang masasabi mo nalang na #ProudToBeQCitizen tayo!" sang-ayon pa kay Belmonte.

Noong 2021 ay nagawaran din ng 'unqualified opinion' ang QC mula sa COA.

Muling nahalal si Belmonte bilang alkalde ng QC at natalo si Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor.