Heads up Kyusi fur-parents!
Ngayong Martes, Hunyo 14, sisimulan ang pag-arangkada ng libreng anti-rabbies shots at iba pang serbisyo para sa mga alagang aso at pusa sa lungsod ng Quezon City.
Sa anunsyo ng Animal Care and Disease Control Division ng Quezon City Veterinary Department, ang libreng inisyatiba ay magsisimula mula Martes, Hunyo 14 hanggang Hunyo 18, Sabado.
Narito ang kabuuang iskedyul, mga serbisyong ihahatid at eksaktong venue ng program na ipinaskil sa isang Facebook post, Linggo.
Ipinaabot naman ng veterinary department sa mga fur-parents na kanselado na ang nakatakda sanang pagbabakuna sa Barangay Kaligayahan Subdivision, ngayong Martes. Bagong venue naman sa parehong araw ang binuksan sa St. Jude Kaligayahan.
Pinapayuhan ang mga fur-parents na dalhin ang kanilang mga alagang aso at pusa mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.
Para sa mga parehong inisyatiba, mangyaring maging updated sa mga anunsyo ng Animal Care and Disease Control Division sa kanilang Facebook page.