Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na litrato umano ni Kapuso actor Jeric Gonzales kasama ang isang lalaking tinakpan ang mukha at hindi binanggit ang pagkakakilanlan.

Alam naman ng lahat na ang kasalukuyang jowa ni Jeric ay si beauty queen-turned-actress na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, kaya marami ang nagulat sa mga kumakalat na litrato umano niya sa Facebook page na "Isyus", na sinakyan na rin ng iba pang mga FB pages gaya ng "Paraluman".

"Grabe ka na 2022, ano na naman 'to?" saad sa caption ng Facebook page, na habang isinusulat ito, may 11K reactions na at 2.1K shares.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Ibinahagi rin ito sa isang Facebook page na "Paraluman".

Makikita sa mga kumakalat na litrato na tila may kalambingang lalaki si Jeric sa litrato at matchy-matchy sa suot na singsing. Nakapag-screenshot din ang mga netizen ng litrato ni Jeric sa IG na kahalintulad ng relo nito sa relo ng lalaki sa kumakalat at pinag-uusapang mga litrato.

Pagtatanggol naman ng mga netizen, huwag kaagad husgahan si Jeric batay sa mga nakikita sa larawan dahil baka screengrab lamang umano ito sa isang proyekto ng aktor, halimbawa ay indie film o independent film, lalo na't nauuso na ngayon ang mga temang "Boy Love" o BL.

Oh baka naman daw kamukha lamang ng aktor ang naturang lalaki sa mga malisyosong litrato.

Jeric Gonzales (Larawan mula sa IG)

Tanong ng bayan, ano raw kaya ang masasabi rito ng jowa ni Jeric na si Rabiya Mateo?

Matatandaang naibahagi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na away-bati raw ang magkasintahan.

“Parang hindi maganda iyon away-bati na relasyon nila Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, Salve. Sabi ng mga matatanda, malas daw sa buhay pag lagi na ay nag-aaway ang isang couple. Kung anuman pinag-aawayan nina Jeric at Rabiya na hindi matapos tapos, dapat lang na isipin nila na baka kaya hindi umuusad ang kanilang career dahil nga sa lagi nilang pag-aaway," aniya sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 1.

"Malaking tulong kay Jeric Gonzales na close siya kay Joebar kaya maraming showbiz writers ang nag-aalaga sa kaniyang publicity. Kaya madalas na iyon magaganda ang nasusulat kay Jeric, pero lagi na ay pinapasukan ng nega news tungkol kay Rabiya Mateo."

"Hindi maganda na umpisa pa lang ng pag-angat niya, nahaharang na agad ng away-bati nilang relasyon. Mas mabuti pa na pag-isipan nila, harapin muna ang career, bago na iyan relasyon na iyan. Dapat umangat muna ang career bago ang love na iyan na lagi naman nauuwi sa away. Think hard Jeric, love o career? Piliin mo ang mas mabuti para sa iyo, sa kinabukasan mo. Sayang ang panahon, sayang ang chance. Isip-isip muna," dagdag pa ng showbiz columnist.

Matatandaan ding nagkaroon ng cryptic post si Rabiya noong madaling-araw ng Mayo 29.

Hindi naman idinetalye ni Rabiya kung tungkol saan ito, subalit marami sa mga kaibigang beauty queen ang nagsabing handa silang makinig kung sakaling kailanganin sila ni Rabiya.

Anyway, parehong abala ang dalawa sa kani-kanilang mga proyekto. Kasama si Rabiya sa bagong show na papalit umano sa timeslot ng matitigbak na "Mars Pa More" kasama sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.

Si Jeric naman, nagte-taping para sa Philippine adaptation ng "Start Up Philippines" kasama sina Alden Richards, Yasmien Kurdi, at Bea Alonzo.

Habang isinusulat ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jeric tungkol sa mga kumakalat na litrato tungkol umano sa kaniya. Wala pa ring sey si Rabiya tungkol dito.