May ganap din ang TV host at aktres na si Karla Estrada, batikang aktres na si Elizabeth Oropesa, at ang komedyanteng si Beverly Salviejo sa 'Maid in Malacañang' ni Darryl Yap.

Silang tatlo ay gaganap bilang 'maids in the Palace' noong 1986 na isang Waray, Manileña, at Ilocana, ayon kay Yap.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gaganap bilang Yaya Santa si Estrada, Manang Lucy si Oropesa, at Biday naman si Salviejo.

Nagpasalamat naman si Salviejo kay Yap. "Thank you, Direk.... it's an honor to work alongside very good actors, and be directed by a very relevant, fearless, excellent director like you... God bless!"

"Eto na nga yun! See you soon DDY!" sey naman ni Estrada.

"This is going to be a Great movie. Ikaw pa ba ! Kaya nga daming umiiyak eh! Salamat anak," saad naman ni Oropesa.

Nauna nang inanunsyo ng kontrobersyal na direktor ang ilan sa mga artistang gaganap sa mga mahahalagang tao ng pelikula. Kabilang dito sina: 

Cesar Montano - Ferdinand Marcos Sr.

Diego Loyzaga - Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Ruffa Gutierrez - Imelda Marcos

Cristine Reyes - Imee Marcos

Ella Cruz - Irene Marcos

Ang pelikulang Maid in Malacañang ay magpapakita ng “the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source.” 

Samantala, hindi pa nire-reveal kung sino ang gaganap na ‘Maid in Malacañang’ ngunit matunog ang pangalan nina Toni Gonzaga at Juliana Parizcova Segovia na posibleng gumanap dito, batay sa usap-usapan sa social media.