Kasabay ng maugong na bali-balitang lilipat na ang showbiz couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa GMA Network, maingay rin ang chikang nabili na raw ng Kapuso station ang rights na mapanood ang 'The Voice Kids' sa kanila, na nauna nang napanood sa ABS-CBN.

Sa The Voice Kids sumikat sina Lyca Gairanod, JK Labajo, Elha Nympha, Darren Espanto na ngayon ay nasa music industry pa rin, lalo na ang huli, na regular na napapanood sa musical noontime show na "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel. Isa sa mga coach dito ay si Sarah.

Kung trulalu ito, kukunin din bang coach sina Lea Salonga, Bamboo, at Apl De Ap?

Ayon sa ulat, i-aanunsyo raw na Kapuso na sina Matteo at Sarah sa gaganaping "Thanksgiving Gala" ng estasyon sa Shangri-La The Fort sa Hulyo 30, para sa pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo nito, na tiyak na dadaluhan ng Kapuso artists. Formal black-and-white old Hollywood umano ang magiging tema nito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/sarah-geronimo-at-matteo-guidicelli-may-negosasyon-daw-sa-gma-mag-ober-da-bakod-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/06/04/sarah-geronimo-at-matteo-guidicelli-may-negosasyon-daw-sa-gma-mag-ober-da-bakod-na-ba/

May kumakalat ding art card ngayon kagaya ng ginawa kay Bea Alonzo sa paglipat nito, subalit pinabulaanan ito ng mga taga-GMA, at gawa lamang daw ng isang fan-based group. Sa nasabing art card, nakalagay na ang isang great artist ng 21st Century ay magiging isang Kapuso. Sa litrato, mahihinuhang mukha ito ni Sarah Geronimo.

GMA-7 teaser art card
Larawan mula sa Twitter

Lahat ng ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa mga nasasangkot na partido kaya abangers na lang ang mga netizen sa mga pasabog ng Kapuso Network.

Anyway, ang magsisimula nang "Idol Philippines" ay napanood na rin naman noon sa GMA Network noong 2008, na may pamagat na "Pinoy Idol". Si Zephanie Dimaranan na Grand Winner nito ay nasa Kapuso Network na ngayon matapos lumipat kamakailan lamang.

Going back to Sarah, inuungkat ng mga netizen ang naging pahayag niya sa isang video kung saan sinabi niyang forever Kapamilya siya, noong Hulyo 11, 2021.

Nagsama-sama ang ilan sa malalaking Kapamilya stars sa live show ng ASAP Natin ‘To upang ipagdiwang ang "Kapamilya Forever." Bukod kay Sarah, nagbigay rin ng kaniyang mensahe ang nagabbalik-Kapamilyang si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual. Sumunod naman dito ang mensahe ni Sarah.

Aniya, hindi raw nag-iiwanan ang magka-Kapamilya.

“Mga Kapamilya, andito pa rin ang ating pamilya dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa’t isa," ani Sarah.

'Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinapatunayan na ang magkapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo."

Nauna na ring itinanggi ng Viva head na si Vic del Rosario, Jr. na lilipat si Sarah sa Kapuso network dahil mananatili itong Kapamilya at babalik sa ASAP. Pinabulaanan din ng isa sa mga GMA executive na si Annette Gozon-Valdes ang balitang ito.

"Hindi yata haha, But who wouldn't want to have Sarah, right? Hehe. Sana, in the future," ani Gozon-Valdes sa isang panayam noong 2020.

Ngunit malay natin, nag-iba na ang ihip ng hangin, dahil sabi nga, wala namang permanente sa mundong ito kundi pagbabago. Abangers na lang!