Nakatakdang isailalim sa isang major operation si Senador Leila De Lima sa susunod na linggo kaya't inaasahang maaaantala ang tuloy-tuloyna pagdinig sa kanyang kasong may kinalaman sa droga.
Ayon kay sa legal counsel nito na si Atty. Boni Tacardon. hiniling na nila sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 at 256 na magkaroon ng medicalfurlough ang senador mula Hunyo 19 hanggang Hunyo 25.
Ito ay upang ipa-opera ang uterus nito na ayon na rin sa kanyang doktor ay kailangangmaisagawa ito sa lalong madaling panahon.
Nakatakda ang susunod sa pagdinig sa Hunyo 27. Gayunman, inihayag ni Tacardon, maiuurong ito dahil sa nakatakdang operasyon ni De Lima.
"May schedule supposedly sa June 27, ang problema lang si [Senator]De Lima will undergo a medical procedure starting kailan ba, June 19 to25. Ma-o-operahan siya. Nag-apply na kami ng medical furlough saBranch 204 at Branch 256. Ma-o-operahan siya sa Manila DoctorsHospital," ayon pa sa abogado.