Binigyang-pagkilala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Hunyo 13, ang bakunahan ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga paslit.

Sa isang simpleng seremonya na ginawa sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall nitong Lunes, ginawaran ni DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa ng “Chikiting Bakunation Certificate” si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ang naturang seremonya ay dinaluhan rin naman ni Dr. Ed Santos, hepe ng Manila Emergency Operations Center (MEOC).

Nabatid na ang lungsod ng Maynila ay nakatanggap ng nasabing certificate matapos na makapagbakuna ng 143% ng mga eligible na paslit, mula sa actual target na 80% lamang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“While moving toward normalization baka magkatarantahan kawawa susunod na admin,” ani Domagoso.

Ang mass vaccination program ng lungsod na pinangangasiwaan ni Vice Mayor at incoming Mayor Honey Lacuna, bilang doktor at bilang hepe ng health cluster ng lungsod, ay ginagawa sa mga itinakdangshopping malls, health centers at city-run hospitals.

Nagkasundo rin sina Domagoso at Lacuna na panatilihin ang “open policy”sa lungsod na ang ibig sabihin ay maging ang mga non-Manilans ay maaaring makapagpabakuna kapag naiprisinta lamang ang kanilang kinakailangangrequirements.

Sa kaso naman ng mga eligible na mga bata, ang New Manila Zoo ay idinagdag bilang vaccination hub upang hikayatin ang mas marami pang magpapabakuna at upang matamo ang hinahangad na immunized population.

Nagbunga naman ang estratehiya dahil ang mga bata at ang kanilang kasama ay pinayagan na libreng makapaglibot sa loob ng zoo.