Biglang tumaas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Linggo, Hunyo 12, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang naitalang 308 na bagong nahawaan ay pinakamataas na kaso ng sakit sa loob ng dalawang buwan o mula Abril 20, ayon sa ahensya.

Nasa 2,918 naman ang panibagong aktibong kaso ng sakit sa bansa. Ayon sa DOH, 153 sa 308 ay naitala sa Metro Manila.

Binanggit ng DOH na umabot na sa 3,693,222 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ipinaliwanag pa ng ahensya, nakapagtala na sila ng 60,461 na binawian ng buhay sa sakit habang nasa 3,629,843 naman ang kabuuang nakarekober sa sakit.