Hindi naging madali para sa namamayagpag na professional volleyball athlete ngayon na si Deanna Wong ang kanyang paglaladlad sa kanyang mga magulang.

Ito ang isa sa mga binalikang kwento ng national athlete sa kaniyang naging panayam sa YouTube vlog ni Karen Davila.

Para sa sikat na manlalaro, bagaman hindi siya naging prangka pagdating sa kanyang kasarian, bukas naman siyang ipakita ang kanyang tunay na pagkatao sa publiko.

“I haven’t really being straight to the point with it [sexuality], being direct with it but syempre siguro I think it says na something na parang, ‘Ito ako, this is who I am.’ Sila na lang ang bahala mag-interpret kung ano yun,” ani Deanna nang matanong kung masasabi bang siya’y tuluyan nang nagladlad.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Gayunpaman, niyayakap ni Deanna ang kanyang sarili bilang bahagi ng LGBTQ+ community.

Muli namang binalikan ng atleta ang hindi naging madaling pagtanggap ng kanyang pamilya sa kanyang kasarian.

“Lalo na them [parents] coming from a different generation, they have their own personal beliefs, opinions, perspectives, hindi kami nagkasundo,” pagbabahagi ni Deanna kay Karen ukol sa naging struggles nito sa kanyang paglaladlad sa kanyang mga magulang.

Dagdag niya, naging mas mahirap umano para sa kanyang ama ang naging proseso.

“He didn’t go for it kasi yun nga, his beliefs nga, we’re saying something different. Sa isip ko kasi, you live your own life and your life means doing things that make you happy,” saad ni Deanna.

Nang matanong kung paano naman tinanggap ni Deanna ang kanyang sarili, naging personal ang sagot ng atleta.

“It was me believing na nagustuhan ko lang naman yung tao eh, parang minamahal ko lang naman siya. And if I’m not stepping on anyone’s toes, or anything like that, hindi naman siya mali. It wasn’t really because I was who I am right now, dahil nga naglalaro ako ng volleyball. It’s just because how I really felt,” saad niya.

Matatandaan ang kinakiligang relasyon ni Deanna sa kapwa volleyball player na si Jema Galanza noong 2020. Naging usap-usapan nito namang 2022 ang umano'y naging hiwalayan ng dalawa.

Sa isang panayam noong 2020, naging bukas si Deanna sa naging sakripisyo para ipaglaban ang relasyon nila ni Jema.

“I had to sacrifice the ones I loved, ‘yung mga tao na andoon sa akin ever since I was a baby kasi iba kasi ‘yung beliefs, iba ‘yung perspective ng mga tao so ‘di natin mapigilan ‘yun.”

Sa kanyang pagiging bukas, at totoo sa harap ng publiko, tanging paalala ng atleta sa sarili: “People can really say or will really say a lot about certain things. Sa akin lang, kung ayaw nila eh di, I’ll let it pass. Hayaan ko lang kasi if the people will really see who I am or kung gustuhin talaga nila kung sino ako, then that’s the people who are true to me.”

Nang tanungin naman ni Karen kung may pag-asa ba ang male suitors sa puso ng atleta, ang sagot lang ni Deanna, “We’ll see. Nothing is impossible.”

Dagdag niya, “I don’t really have a type so if I like the person, I like the person. If I love the person, I love the person as long as that person will treat me right, is kind, is God-fearing, go, why not?”

Tanggap na ngayon ng kanyang pamilya si Deanna. Aniya pa, nakita ng kanyang mga magulang na hindi hadlang sa kanyang karera ang kanyang pagpapakatotoo sa sarili.

Gayunpaman, umaasa pa rin umano ang mga ito na ikakasal at magkakapamilya siya sa hinaharap.

Hindi naman nakikita ni Deanna sa ngayon ang magkaroon ng sariling anak.

“No. I’m good already with having my pet,” aniya habang ipinunto rin na kasalukuyan siyang nakatuon sa kanyang volleyball carreer.