Isa ang patay at isa pa ang sugatan nang lumiyab ang sinasakyang kotse matapos sumalpok sa concrete barrier sa Echague, Isabela nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot si Wilson Ballad, laborer at taga-Barangay Babaran, Echague, dahil sa matinding pinsala sa katawan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Isinugod naman sa ospital ang driver na si Rogelio Ayudan, 43, isa ring laborer, at taga-Brgy. Buneg sa naturang bayan, dahil sa mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng BFP-Echague, tinatahak ng kotse ang bahagi ng national highway sa Brgy. Castillo nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan. 

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Gayunman, nawalan umano ito ng kontrol at sumalpok sa concrete barrier hanggang sa dumiretso sa palayan bago lumiyab, ayon kay Senior Fire Officer Leomar Parralag, Intelligence and Investigation chief ng BFP sa lugar.

Kaagad namang nagresponde ang mga bumbero at inapula ang apoy. Nakita na lamang sina Ballad at Ayudan na nakahandusay sa palayan.

Under investigation pa rin ang kaso, dagdag pa ni Parralag.