Nakapagtala ng unang panalo ang Barangay Ginebra San Miguel sa unang sabak nila sa 2022-23 PBA Philippine Cup laban sa Blackwater Bossing, 85-82, sa Ynares Sports Center sa Antipolo City nitong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni Christian Standhardinger ang Gin Kings sa nakubrang 21 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Pinakinabangan din ng Ginebra si Japeth Aguilar sa naipong 15 puntos, anim na rebounds at limang blocks habang si Scottie Thompson ay kumubra ng 14 puntos, 16 rebounds at siyam na assists.

Kumayod nang husto ang Ginebra sa fourth quarter nang hindi sila makaporma sa third quarter kung saan nagpakitang-gilas ang tambalang Joshua Torralba at beteranong si James Sena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"We knew they were gonna be confident, and we knewthey'llhave momentum on their side," banggit ni Ginebra coach Tim Cone na ang tinutukoy ay Blackwater na ginulat at tinalo ang TNT Tropang Giga sa Ynares Center sa Antipolo nitong Hunyo 9.

"Just watching them on video, they're playing really, really good basketball. You can't get anything easy from them," sabi pa ni Cone.

Umabante pa ang Bossing, 76-69, pitong minuto ang nalalabi sa huling bugso ng laro, nang biglang kumayod si Standhardinger, katulong si Thompson hanggang sa makapagtala sila ng 10-0 run kung saan lumamang ang koponan, 79-76, tatlong minuto na lamang ang natitira sa regulation period.

Gayunman, gumanti si Torralba sa pamamagitan ng sunud-sunod na puntos, 82-79, at umabante na ang koponan nito, 62 segundo na lamang sa final period.

Sa kabila nito, gumulo na ang laro ng Bossing nang bigyan ng foul ni JV Casio si Thompson. Naibusloni Thompson ang dalawang free throw.

Bukod dito, nagkalat naman si Base Amer nang magkamali ng pasa kay Yousef Taha, 25.9 segundo na lamang nalalabi.

Kaagad namangnakapuntossi Aguilar at may natitira pang oras upang makaiskor ang Bossing. Gayunman, hindi nakontrol ni Amer ang bola kaya napilitang i-foul si Stanley Pringle hanggang sa manalo ang Gin Kings.