Pinarangalan ng United Nations (UN) si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (PAPRU), Secretary Carlito Galvez Jr., para sa kanyang "commitment and professionalism" sa pagtataguyod ng peace-building initiatives sa bansa.

Sinabi ng UN Resident Coordinator sa Pilipinas, Gustavo González, na ang gobyerno ng Pilipinas ay "nakakuha ng mahalagang bilang ng mga tagumpay" at "nakamit ang mga pangunahing milestone" sa pagsusulong ng isang tunay na proseso ng kapayapaan.

Nauna nang sinabi ni Galvez na umaasa siya sa patuloy na pakikipag-tulungan ng UN sa pamahalaan ng Pilipinas upang mapagtibay pa ang kapayapaan at pagkakasundo lalo na ng darating na administrasyon.

Inimbitahan ng ahensya ng UN ang mga ambassador ng Australia, Canada, Norway, France, Japan, at European Union sa cocktail reception bilang parangal kay Galvez.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ayon sa isang pahayag ng OPAPRU na inilabas noong Sabado, binanggit ni González kung paano pamunuan ni Galvez ang pagpapalakas ng papel ng kababaihan at kabataan sa prosesong pangkapayapaan, pagbabago ng hidwaan, at proteksyon ng mga karapatang pantao na itinuturing na mahalaga para sa pagtiyak ng napapanatiling kapayapaan.

Hinimok ni Galvez ang susunod na administrasyon na ganap na suportahan ang mga tagumpay ng prosesong pangkapayapaan na nakamit sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"We would like to call on our international partners to provide the incoming administration with the same level of support you have given to the Duterte administration, as we continue to lay the foundation for genuine peace and sustainable development," ani Galvez sa isang pahayag.

Pinasalamatan ni Galvez ang UN at iba pang international development partners ng gobyerno sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa pagpapalakas ng proseso ng kapayapaan sa Pilipinas.