Hiniling ni Pangulong Duterte sa Philippine Coast Guard (PCG) kung maaari siyang anyayahan sa kanilang pagtulak sa West Philippine Sea sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, habang ipinunto ang pangangailangan na igiit ang mga karapatan ng bansa sa gitna ng papaunti nang pinagkukunang yaman.

Ito ang binanggit ni Duterte matapos maghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China dahil sa “illegal activities” nito sa Ayungin Shoal, na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng bagong PCG Barko ng Pangulo ng Pilipinas (BRP) Melchora Aquino, umaasa ang Pangulo na makakasama pa rin siya sa PCG kahit wala na siya sa puwesto.

“It does not have any ramifications because civilian na ako. I could, maybe, ride with you diyan sa West Philippine Sea. It is a gamble,” aniya nitong Linggo, Hunyo 12.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“At one time in our national life that we have to assert the — what is ours,” dagdag niya.

Umaasa ang Pangulo na mapagbibigyan siya ng Coast Guard sa kanyang kahilingan.

“I do not expect more — yung kaunting — that you can invite me to ride with you,” aniya.

Ayon sa Pangulo, ipinaalam niya kay Chinese President Xi Jinping na hindi isusuko ng Pilipinas ni isang pulgada ng teritoryo nito.

“I made it clear to him [that] we cannot give up sovereignty over the waters [in the] Philippine Sea, including the exclusive economic zone, because it’s vital for our national life,” aniya.

Idinagdag ni Duterte na ang paggiit ng mga karapatan ng bansa ay mas mahalaga ngayon dahil sa lumalaking populasyon.

“The population is growing, and we have to keep pace. You know, even in the food security in the coming years, mahirapan tayo,” saad ng Pangulo.

“And the longer that this ruckus in Europe between Russia and Ukraine continues, mag-spiral talaga ‘yan,” aniya.

Argyll Cyrus Geducos