Tanggal na sa serbisyo ang 45 na kawani ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa kontrobersyal na 'pastillas' scam kung saan iligalna pinapapasok sa bansa ang mga Chinese kapalit ng₱10,000 bawat isa.

Ito ay nang mapatunayang nagkasala sa kasong administratibo (Grave Misconduct Prejudicial to the Best Interest of the Service) ang mga nasabing tauhan ng BI, ayon na rin sa 143 pahinang desisyon ng Office of the Ombudsman.

Paglilinaw ng anti-graft court, ang mga wala na sa serbisyo o hindi na nagtatrabaho sa BI bago pa mailabas ang nabanggit na desisyon ay magmumulta na lamang na katumbas ng isang taon nilang suweldo.

Kamakailan, nagsampa ng kasong graft ang Ombudsman laban sa 41 pa na tauhan ng BI na sangkot sa usapin kung saan pinagbatayan ang pakikipagsabwatan umano ni dating Deputy Commissioner Marc Mariñas sa mga kawani ng Immigration upang maisagawa ang kanilang modus operandi.

Probinsya

Rider na naaksidente, kasamang nasunog sa nagliyab na motorsiklo

Nauna nang naiulat na nakipagsabwatan din umano si Mariñas kayLiya Wu na taga-Empire International Travel and Tours upang bigyan ng pabor ang mga Chinese na pumapasok sa Pilipinas.

Nakakolekta umano ang grupo ni Mariñas ng ₱10,000 kada pasahero at nagkamal na ng ₱1.43 milyon kaya sinampahan ng kasong graft ang mga ito, ayon na rin sa mga government prosecutor.