Suot ang Sablay ng Unibersidad ng Pilipinas, dumalo si outgoing Vice President Leni Robredo sa 52nd Graduation Ceremony ng Philippine Science High School Main Campus sa Quezon City nitong Sabado, Hunyo 11, kung saan naimbitahan siya na maging guest speaker sa seremonya.

Photo courtesy: VP Leni Robredo/FB

Ito ang kauna-unahang face-to-face graduation ng paaralan mula nang magkaroon ng pandemya noong 2020.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binigyang-pugay ni Robredo ang Batch 2022 Senior High School students ng nasabing paaralan sa kabila ng mga hamon dulot ng coronavirus disease (Covid-19).

Panawagan ni Robredo sa mga nagsipagtapos na maglingkod sa sambayanang Pilipino.

"Ang kakayahan, itutok sa kapakanan ng kapwa, lalo na ng kapwa Pilipino," aniya.

"Maraming mahuhusay at matatalinong tao ang tumutugon kapag tinawag na maglingkod; ang hamon sa inyo, huwag nang hintayin pang matawag. Kayo na mismo ang maghanap ng landas, tumukoy ng mga puwang na dapat punan, tumungo sa laylayan, at doon maglingkod," dagdag pa niya.

Samantala, kasama ng bise presidente ang kaniyang bunsong anak na si Jillian-- na nakapagtapos din ng kolehiyo sa New York University, kamakailan.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1535406564516933632

Si Robredo ay nakapagtapos ng elementarya at high school sa Unibersidad de Sta. Isabel noong 1978 at 1982, ayon sa pagkasunod-sunod. Natapos niya ang kursong Economics sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1986. Nakuha naman niya ang kaniyang juris doctor degree noong 1992 sa University of Nueva Caceres at nakapasa sa Philippine Bar Examination noong 1997.