May panawagan si Batangas Rep. at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa kaniyang "Vilmanians", tawag sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta, na huwag nang malungkot dahil hindi siya kasama sa listahan ng mga naparangalan bilang "National Artist" para sa pelikula, na nasungkit naman ni Superstar Nora Aunor, kasama ng manunulat na si Ricky Lee at direktor na si Marilou Diaz-Abaya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/noranian-na-si-jerry-gracio-masaya-sa-pagiging-national-artist-ng-idolo-kahit-magkaiba-ng-paniniwala-sa-politika/">https://balita.net.ph/2022/06/11/noranian-na-si-jerry-gracio-masaya-sa-pagiging-national-artist-ng-idolo-kahit-magkaiba-ng-paniniwala-sa-politika/

Nagbigay ng mensahe si Vilma sa pribadong chat group nila ng Vilmanians, nang ipamalita ng mga ito ang pagkakahirang kay Ate Guy bilang isa sa mga National Artist. Marami umano ang nalungkot dahil hindi kasama sa listahan si Vilma.

"Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way," ani Vilma.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“And yes, there is always a time for everything."

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat."

“Isang pagpupugay ang dapat natin ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them."

"Mabuhay kayo mga Vilmanians!"

Matatandaang "magkaribal" sa dami ng tagahanga at kasikatan noon sina Nora at Vilma, sa kanilang prime years noong dekada 70 hanggang 80.

"Noranians" naman ang tawag sa mga tagasuporta at tagahanga ni Ate Guy.

Nagkasama na sina Vilma at Nora sa mga pelikulang gaya ng "T-Bird at Ako" at "Ikaw ay Akin".