Bad news sa mga motorista.

Asahan ang napipintong pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, sa Martes, Hunyo 14, posibleng tataas ng P4.75 hanggang P5.00 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P4.25-P4.50 sa presyo ng diesel at P1.50-P1.75 naman marahil ang ipapatong sa presyo ng gasolina.

Samantala, nag-abiso na rin ang kumpanyang Unioil na posibleng itataas nito sa P4.30-P4.50 ang presyo ng kanyang diesel habang P1.50-P1.60 naman sa gasolina nito sa Martes.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nitong Hunyo 7, huling nagtaas sa P6.55 ang presyo ng diesel, P5.45 sa kerosene at P2.70 naman sa gasolina.