Hinimok ni outgoing Vice President Leni Robredo nitong Sabado, Hunyo 11, ang mga awtoridad na igalang ang karapatang pantao at dignidad ng mga magsasaka at tagapagtaguyod ng reporma sa lupa na kanilang inaresto sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac.

Sinabi ng Bise Presidente na malinaw na mapayapa ang pagtitipon at walang ibang agenda maliban sa intensyon ng mga magsasaka na matiyak ang magandang buhay para sa kanilang mga pamilya.

“Umaasa kaming igagalang ang kanilang karapatang pantao; itatrato sila bilang kapwa-Pilipinong may dignidad; at magkakaroon ng makatarungang resolusyon ang insidenteng ito sa lalong madaling panahon,” pagpupunto ni Robredo.

“Bagaman tinutukoy pa ang kabuuang detalye, ilang bagay ang malinaw: Mapayapa ang naganap na pagtitipon,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Robredo na walang ibang layunin ang mga magsasaka kundi ang tustusan ang kanilang mga pamilya, at ang kanilang mga tagasuporta at iba pang tagapagtaguyod ng reporma sa lupa ay kung saan doon makiisa sa kanila.

Noong Huwebes, Hunyo 9, inaresto ng mga awtoridad sa Concepcion, Tarlac ang 93 na magsasaka, tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka, at mga boluntaryo na nakibahagi sa isang “bungkalan” o aktibidad sa pagtatanim ng lupa upang ipakita ang pakikiisa sa mga magsasaka na nagpupumilit na angkinin ang lupang anila'y iginawad sa kanila ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong 1995.

Sinabi ng grupo ng maralitang taga-lungsod na Kadamay na mahigit 20 ganap na armadong pulis ang lumusob sa bukid upang ihinto ang aktibidad.

Inaasahang mahaharap ang mga magsasaka at aktibista sa mga kasong may kinalaman sa umano'y malicious mischief, obstruction of justice, at illegal assembly complaints.

Raymund Antonio