Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado, Hunyo 11, ang mga ulat ukol sa Republic Act 11697 na basehan sa regulasyon ng electric motor vehicles.
Sinabi ni Atty. Victor Nuñez, MMDA Traffic Discipline Office (TDO) for Enforcement, na ang basehan para sa pagpapatupad ng MMDA ay ang Land Transportation Office (LTO) Administrative Order No. 2021-039, o ng Consolidated Guidelines sa Classification, Registration, at Operation ng lahat ng uri ng electric motor vehicles.
Ang LTO Administrative Order 2021-039 ay pinagsama-sama at updates ng mga pag-iisyu at pamantayan ng LTO kaugnay sa pagtatala, rehistrasyon at operasyon ng electric vehicles.
Base sa mga pamantayan ng AO 2021-039, ang operasyon ng electric vehicles ay hindi limitado sa natukoy na uri ng kalsada at hindi kinakailangang irehistro ang ilan sa mga uri nito.
"The regulation of e-bikes and e-scooters is based on their category and specifications, such as maximum speed limit, weight, and others," ani Nunez.
Unang nakipag-usap si Nunez sa mga local traffic bureaus ng Metro Manila upang talakayin ang guidelines ng LTO Administrative Order.
Samantala, ang RA No. 11697 ay isang batas na nagbibigay sa development o pagpapalago sa industriya ng electric vehicle.