Pinangangambahan ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na lumobo ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Quezon City.

Paglalahad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinailalim na sa yellow status ang lungsod habang hinihintay ang dalawang linggo kung saan inaasahang magkaroon ng Covid-19 surge sa lugar.

Sinabi ni Vergeire na lumabas sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na aabot na sa 26 ang daily average ng kaso hanggang nitong Hunyo 9. Mataas ito ng 111.76 porsyento kumpara sa naitala nitong nakaraang linggo.

"Gusto ko lang paalalahanang tama po 'yung slide na meron pagtaas ng kaso dito sa QC and even in other parts of Metro Manila, lagi nating titingnan na that the virus is here, that the virus will cause infections ang kailangan natin bantayan ay huwag magkaroon ng malulubhang kaso, huwag mapuno ang ating ospital," anito.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

"It was...an internal meeting among officials para lang mag-prepare hindi para takutin ang ating mga kababayan kaso nag-leak po, so nagpa-panic ang ating mga kababayan sa ngayon," dagdag pa ng opisyal sa panayam sa telebisyon.

Kinumpirma naman ni CESU chief, Dr. Rolly Cruz, naging kampante na ang publiko sa pagusunog sa minimum health standards, kabilang na ang pagsusuoitng face mask.

"Nawala na 'yung pagsunod sa minimum health standards natin. Nakita natin na parang back to normal na ang gathering, back to normal na ang seminar, pero magpatuloy tayo sa health standards," sabi nito.

Naghahanda na rin aniya ang pamahalaang lungsod sa posibleng paglalang sitwasyong dulot ng Covid-19.

Matatandaang inihayag ng DOH na nakitaan nila ng bahagyang pagtaas ng kaso ng sakit sa nakalipas na linggo. Gayunman, hindi umano ito nakaaalarma.