Nagsampa na naman ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa pangha-harass sa mga Pinoy na mangingisda sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
“The DFA (Department of Foreign Affairs) has lodged today another protest over recent incidents in Ayungin Shoal, including China’s illegal fishing, shadowing of China Coast Guard vessels of Philippine boats on a rotation (and) reprovision mission, and the installation of buoys (and) fish nets that blocked the shoal’s entrance,” ayon sa pahayag ng DFA nitong Biyernes.
Inilahad ng DFA, bukod sa iligal na pangingisda, sinusundan din umano ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang ilangsasakyang-pangisda ng mga Pinoy sa naturang teritoryo ng Pilipinas kamakailan
Iginiit ng DFA na noong 2016 aybinigyan ng arbitral award ang Pilipinas matapos manalo sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Netherlands kung saan binabanggit na walang karapatan ang China na sakupin ang ilang teritoryo ng bansa sa WPS.
“[China] has no right to fish, monitor, or interfere with PH’s legitimate activities therein,” giit ng DFA.
Nanawagan din ang DFA sa China na igalang ang mga obligasyon nito alinsunod sa international law, kabilang na angUnited Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang irbitral award ng hukuman.
Matatandaang ilang beses nang nagpahayag ang China na hindi nito kikilalanin ang nasabing ruling at iginiit na bahagi ng kanilang teritoryo ang WPS.