Tumalak na rin si Manay Lolit Solis kaugnay ng hatol ng Quezon City Council na ideklarang ‘persona non grata’ si Comedy Queen Aiai Delas Alas kasama ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Matatandaan na idineklara ang dalawang personalidad noong Martes, Hunyo 7 kasunod ng hindi nito paghingi ng paumanhin sa “pambabastos” na ginawa sa triangular seal ng lungsod sa inilabas noon na campaign satire.

Ito’y matapos magbanta rin ni Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman sa nasabing kampo.

Basahin: Ai Ai Delas Alas, Darryl Yap, tinuluyan nang maging ‘persona non grata’ sa QC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sey ng batikang showbiz insider kay Aiai sa isang Instagram post nitong Sabado: “Kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tignan mo ang magiging resulta nito ng pang mahabang panahon.”

Dagdag ni Manay, naging personal na atake umano sa kalaban ang nasabing satire.

“Parang self-destructing na dahil lang sa ibinayad sa iyo, forever ng tatak ang kabastusan na ginawa mo. Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang,” dagdag ni Manay Lolit.

Basahin: Urirat ng mga netizen: Ai Ai, makakapagtrabaho pa ba sa GMA kung persona non grata sa QC? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatadaan sa campaign video ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa likod ng background ay makikita ang QC triangular seal na may nakalagay na “BBM-Sara.”

Sa naunang pahayag ni Lagman, ang parody ay isang pambabastos umano sa mga mamamayan ng lungsod at sa mismong batas.

“It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician… I reiterate our call for these people, Mr. Darryl Yap, Ms. Ai Ai Delas Alas, Cong. Mike Defensor and his cohorts, to apologize to the citizens of Quezon City for their actions, and also promise to never do such acts again,” ani Lagman.

Dahil dito, may payo si Manay para kay Aiai at sa lahat ng mga artistang sasabak sa kampanya sa mga susunod na eleksyon: “Dapat isipin mo na meron after effect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo.”

“Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahat-lahat pati pakikisama?” sunod na tirada ng showbiz columnist kay Aiai.

Sa huli, nagpahayag ng panghihinayang si Manay Lolit kay Aiai kasunod ng inabot nitong deklarasyon sa Quezon City.

“Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends, the better. Hay naku, isip-isip kasi, gamitin ang utak,” saad ni Manay.

Nauna nang iginiit ng kampo ni Aiai ang kalayaan sa pagpapahayag laban sa anila’y padalus-dalos na hakbang ng konseho.

Basahin: Kampo ni Ai Ai Delas Alas, may opisyal na pahayag na tungkol sa ‘persona non grata status’ sa QC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tumalak na rin si Manay Lolit Solis kaugnay ng hatol ng Quezon City Council na ideklarang ‘persona non grata’ si Comedy Queen Aiai Delas Alas kasama ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Matatandaan na idineklara ang dalawang personalidad noong Martes, Hunyo 7 kasunod ng hindi nito paghingi ng paumanhin sa “pambabastos” na ginawa sa triangular seal ng lungsod sa inilabas noon na campaign satire.

Ito’y matapos magbanta rin ni Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman sa nasabing kampo.

Basahin: Ai Ai Delas Alas, Darryl Yap, tinuluyan nang maging ‘persona non grata’ sa QC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sey ng batikang showbiz insider kay Aiai sa isang Instagram post nitong Sabado: “Kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tignan mo ang magiging resulta nito ng pang mahabang panahon.”

Dagdag ni Manay, naging personal na atake umano sa kalaban ang nasabing satire.

“Parang self-destructing na dahil lang sa ibinayad sa iyo, forever ng tatak ang kabastusan na ginawa mo. Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang,” dagdag ni Manay Lolit.

Basahin: Urirat ng mga netizen: Ai Ai, makakapagtrabaho pa ba sa GMA kung persona non grata sa QC? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatadaan sa campaign video ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa likod ng background ay makikita ang QC triangular seal na may nakalagay na “BBM-Sara.”

Sa naunang pahayag ni Lagman, ang parody ay isang pambabastos umano sa mga mamamayan ng lungsod at sa mismong batas.

“It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician… I reiterate our call for these people, Mr. Darryl Yap, Ms. Ai Ai Delas Alas, Cong. Mike Defensor and his cohorts, to apologize to the citizens of Quezon City for their actions, and also promise to never do such acts again,” ani Lagman.

Dahil dito, mau payo si Manay para kay Aiai at sa lahat ng mga artistang sasabak sa kampanya sa mga susunod na eleksyon: “Dapat isipin mo na meron aftereffect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo.”

“Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahat-lahat pati pakikisama?” sunod na tirada ng showbiz columnist kay Aiai.

Sa huli, nagpahayag ng panghihinayang si Manay Lolit kay Aiai kasunod ng inabot nitong atraso sa Quezon City.