Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng ilang transport group na dagdagan ng₱5.00 ang minimumna pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.

Sa isang television interview, ipinaliwanag ni LTFRB executive director Tina Cassion na nagtakda na sila ng huling pagdinig sa petisyon sa Hunyo 28.

Aniya, hinihimay nila nang husto ang nilalaman ng petisyon sa gitna ngpatuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa petisyon aniya ng 1UTAK, Pasang Masda,Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Phillippines(ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), nais nilang gawing₱14 ang minimum na pasahe mula sa dating₱9.00 dahil wala na umano silang kinikita.

Idinahilan din ng mga transport group ang madalang na pasahero na ang karamihan ay sinamantala ang "Libreng Sakay" program ng gobyerno.

National

Sen. Jinggoy, ipinaliwanag utos niyang itago ang CCTV noong Senate shooting

Matatandaang inaprubahan ng LTFRB ang₱1.00 dagdag-pasahe sa mga PUV sa Metro Manila, Region 3 at Region 4 habang nakabinbin pa ang nasabing petisyon.