Masigasig ang Department of Health (DOH) na turuan ang publiko ukol sa Covid-19 pandemic, ngunit kulang ito sa “liksi” o sense of urgency sa pagprotekta sa mga tao, sabi ng isang public health expert.

Ang health reform advocate at dating special adviser of the National Task Force (NTF) Against Covid-19 na si Dr. Anthony “Tony” Leachon, noong Biyernes, Hunyo 10, ay nagsabi na ang DOH ay mahusay sa aspeto ng pagtuturo sa publiko, ngunit ito ay kulan aniya ng “agility” sa pagprotekta sa mga Pilipino.

“Hindi naman nagkukulang ang Department of Health [sa pagpapaalala sa mga tao]. Ang kulang ng DOH is the agility to protect the people, dapat dinistribute na agad nila yung mga bakuna outside the National Capital Region (NCR), para yung autonomy ay mapabilis nila. Dapat i-decentralize na nila ang bakuna at this point in time,” ani Leachon sa isang panayam sa DZRH.

Ipinakita ng National Covid-19 Vaccination Dashboard ng DOH na noong Hunyo 4, may kabuuang 70,008,259 na indibidwal sa bansa ang nakakumpleto ng kanilang pangunahing dosis ng bakuna. Sa bilang na ito, nanatiling mababa ang bilang ng mga nakatanggap ng booster sa 14,474,664.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ito, ayon kay Leachon, ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa dapat alisin ng Metro Manila ang mandato ng face mask nito, na muling iginiit na maaari itong magdulot ng panibagong surge, lalo na sa paghina ng immunity ng bakuna at mga umuusbong na variant ng Covid-19.

Gayunpaman, sinabi ng eksperto na may mga paraan pa rin para mapataas ang booster rate sa Pilipinas.

“Madali lang naman [mapataas ang booster rate]. [Ito ay] kung ikakalat ng DOH sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at ibibigay sa private sector [at mga medical communities] ang mandato na magbakuna na,” dagdag niya.

“Dapat ay lagyan natin ito ng timeline. Let us say, 30 days – [nagawa] naman natin [ito noong] Disyembre, bakit hindi natin kayang gawin ngayon?,” pagpapatuloy ng eksperto.

Charlie Mae F. Abarca