Parehong sarado sa trapiko ang northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard magmula sa Katigbak Drive hanggang TM Kalaw sa Maynila sa Linggo, Hunyo 12, dakong alas-6 ng umaga upang bigyang-daan ang selebrasyon ng ika-124 Araw ng Kalayaan.

Ipatutupad naman ang re-routing sa mga sasakyan sa mga sumusunod na lugar ayon sa traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang lahat ng sasakyan na magmumula sa Bonifacio Drive na daraan sana sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa MH Del Pilar o dumaan sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Habang ang lahat ng trak at trailer trucks na babagtas sana sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Finance Road hanggang sa destinasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para naman sa lahat ng light vehicles o magagaan/maliliit na sasakyan na daraan sana sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat na kumanan sa TM Kalaw, bago kumaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos hanggang sa destinasyon.

Samantala ang lahat ng trak at trailer trucks na babagtas sana sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay kakanan naman sa Pres. Quirino Ave., kumaliwa sa Plaza Dilao hanggang sa destinasyon.

Ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabatay sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko.