Pilano ngayon ng gobyerno na maipamahagi ang second tranche ng fuel subsidy program nito para sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV) sa bansa, ayon sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Sabado.

Binanggit ni LTFRB executive director Tina Cassion, inihahanda na ng ahensya ang mga dokumento upang maipamahagi na ang P6,500 na subsidiya para sa bawat driver at operator ng PUV.

Isasagawa ang pamamahagi ng subsidiya sa huling linggo ng Hunyo o unang bahagi ng Hulyo, ayon kay Cassion.

Sa 377,000 na benepisyaryo, halos 5,000 pa ang hindi nakatatanggap ng fuel subsidy.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Bukod sa mga driver at operator, makikinabang din sa programa ang tricycle driver at operator, gayunman, isinailalim ang mga ito sa pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Pangangasiwan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng subsidiya sa mga delivery rider.