Idinaos ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region, katuwang ang Ophthalmology Department of Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), ang kanilang ikalawang round ng diabetic retinopathy screening para sa mga residente ng ilang komunidad sa San Fernando City, La Union, na may diabetes.

Sa isang kalatas nitong Sabado, sinabi ng DOH na kabuuang 172 pasyente mula sa Barangay Catbangen at 140 naman mula sa Barangay Sevilla ang sumailalim sa screening sa dalawang araw na mobile eye screening na isinagawa nila mula Hunyo 9 hanggang 10.

“This initiative is our commitment to prevent blindness among patients with diabetes mellitus. Hindi kinakailangang manlabo o mawalan ng paningin ang isang pasyenteng may diabetes dahil maari naman itong mapigilan sa pagbibigay ng tamang pagsusuri at suportang medikal mula sa ating mga espesyalista,” ayon pa kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

Panawagan pa ni Sydiongco, “Ang mobile eye screening po ay libre at patuloy itong maglilibot sa mga iba’t ibang barangay kaya’t inaanyayahan ko po ang mga residenteng may diabetes na magpasuri upang mabigyan sila ng karampatang lunas at ma-operahan kung kinakailangan.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na ang mga residente na may ophthalmic disease at nangangailangan ng treatment gaya ng laser treatment o surgery ay pagkakalooban rin ng DOH ng kinakailangang operative treatment and care.

Sinabi naman ni Francisco de Vera Jr., Regional Program Manager of Essential Non-Communicable Disease, na ipagpapatuloy nila ang roll-out ng libreng eye screening services hanggang ang lahat ng pasyenteng may diabetes sa lungsod ay mabigyan ng kinakailangang lunas at pangangalaga.

“Diabetic eye screening is important as it helps to prevent sight loss. For individuals who are diabetic, your eyes are at risk of damage from diabetic retinopathy and the only way to prevent it is to have your eyes screened in order to provide proper treatment and care,” ani De Vera.

Ang mga diabetic patients na sumailalim sa eye screening ay bibigyan rin ng hearing test upang matukoy kung mayroon silang potential hearing problems, partikular na ang mga senior citizens, upang maiwasan ang pagkawala ng kanilang pandinig.

Anang DOH, ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipag-koordinasyon sa city health office at local government ng San Fernando City, La Union.