So generous naman, Meme!

Binilhan ng bag ni 'Unkabogable Star' Vice Ganda ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) habang nagbabakasyon ito sa Singapore kamakailan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa isang vlog na inupload nitong Huwebes, Hunyo 9, nakita ni Vice ang tatlong OFWs na tila namimili ng kanilang bag. Nilapitan niya ang mga ito at binili ang mga bet nilang bag.

Nagpakilala ang mga OFWs na sina Ronaldo, mula sa Batangas; Glen, Southern Leyte; at Lance, Iloilo. Nagpasalamat silang tatlo kay Vice Ganda.

Samantala, tinanong ni Ion Perez ang kaniyang asawang si Vice kung bakit niya binilhan ng bag ang kanilang kapwa Pinoy.

"Habang nadaanan ko sila kinuha nung babae yung belt bag, sabi niya 'bibilhin ko ba?' tapos ang tagal niyang pinag-iisipan kung bibilhin niya yung belt bag. Parang gusto niya kaya lang iniisip niya-- siguro may pinaglalaanan siya ng pera tapos iniisip niya kung may extra tapos ibibili niya roon. Eh feeling ko gusto niya yung bag kaya binalikan ko siya..."

"[Kung] sa atin 'di ba, parang mabilis lang natin mabibili yun, parang mura lang. Pero yung thought na binigyan ko siya ng bag maalala niya palagi, maha-happy siya," sey pa niya. 

Ang naturang vlog ay kasalukuyang nasa mahigit 480K views. Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

"Para sa mga guro na kagaya ko na pagod maghapon sa pagtuturo, paghahanda ng modules, at pagasikaso sa pamilya, eto ang stress-reliever and ‘ME time’ ko. Magaan sa pakiramdam to end my day with good vibes. May baon positivity the next day. This episode is very uplifting and inspiring. It also teaches us not to be impulsive buyers. Thank you for your vlogs Meme Vice."

"The dad buying a bag for his kids but none for him got me in tears. Thank you for your generous heart, Vice. I am a new fan since the Pink campaign but staying a fan bc of your good soul!"

"Heto tlga pampa happy ko this days kahit ang daming struggles na nangyayare heto pa rin sa panonood ng mga vlogs mo sobrang happy na ako loveyouuuu alwaysss my ViceIon"

"We all know she can afford those bags. But what I like about this video is the moral she's trying to share with us: gotta work hard for what you want"

"Meme vice u're such a good person, u're not just a comedian, u're also an inspiration for every filipino's. U're that kind of person that still not looking down to ofw's and treat them as ur family"

"buti nlng may vlog today meme napawi nanaman ang stress ng isang ofw sa araw na to"

"m more impressed with Meme’s gesture of buying bags and cap to our OFW’s! Mabuhay and “padayon” ( our dialect of saying.. continue) God bless you both and your family always!"

"Kaya maraming blessings na dumarating sayo Meme kasi napaka generous ko mong tao..Salute you!!! Subrang na touch ako sa ginawa mo☺️"

"I love the fact na meme is very humble,alam nmn natin na keri naman ni Meme bilhin yan pero alam nia where to put her wealth and worth. Kaya nga lab n lab ka namin"

"2 years din ako nagtrabaho sa Singapore bilang DH haisst nakamiss din ang lugar na yan Lalo na mga foods nila Enjoy po sa vocation nyo meme vice . Keep safe sa inyo"

"so proud of you Vice! you’re so generous, may God continue to bless you so you can extend more help to others. Btw, Vagay sayo yung pink na Hermes! ilang kembot mo lng yan!would be a great gift for yourself"