Inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamangkin umano ni incumbent Pateros Mayor Miguel "Ike" Ponce III matapos makumpiskahan ng 100 gramo ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa Taguig City nitong Hunyo 9.

Kinilala ang suspek na si Cris Allen Ponce, 28, binata, at taga-No. 29 Pinang Street, Ligid Tipas, Brgy. Hagonoy, Taguig City. 

Pinaghahanap naman ang kasabwat ng suspek na kinilala sa lamang sa alyas "Budoy" na nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ni Staff Sergeant Ronald Lanaria, may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Intelligence Division-Regional Drug Enforcement Unit (RID-RDEU) at PDEA-NCR, sa 262 Capistrano extention, Brgy. Hagonoy dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes na nagresulta ng pagkakaaresto ni Ponce.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nakatakas naman ang kasamahan nito, ayon sa pulisya.

Nakumpiska kay Ponce ang dalawang transparent plastic sachet ng shabu at marked money. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Ponce.