Hinikayat ng alkalde ng Taal, Batangas ang mga residente na uminom muna ng bottled water habang naghahanap ang local government unit (LGU) ng alternatibong pagkukunan ng maiinom na tubig matapos masuri na kontaminado ng arsenic ang kanilang suplay ng tubig.
Idineklara ni Taal Mayor Pong Mercado na 10 barangay sa munisipyo ang apektado ng arsenic.
Idinagdag ni Mercado na ikinokonsidera nila ang reverse osmosis at water trucks bilang alternatibong paraan para makapag-supply ng ligtas na tubig para sa libu-libong residente sa 10 barangay.
Pinayuhan niya ang mga apektadong residente na uminom ng de-boteng tubig hanggang sa makahanap ng mas magandang solusyon ang munisipyo.
“Gumamit muna ng bottled water habang wala pang nahahanap na reverse osmosis nang sa gayon ay magkaroon sila ng inuming tubig.”