Walang nakitang kaso ng monkeypox sa bansa sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH).

“We [would] like to clarify to everybody, there is still no confirmed monkeypox case here in the country,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing nitong Biyernes, Hunyo 10.

Sinabi ni Vergeire na mayroong anim na "probable" na kaso ng monkeypox ngunit lahat ay nagnegatibo.

“Currently, nakapag padala na tayo ng anim na samples [for testing] and we classified them as probable cases,” aniya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Dumating na rin ang mga resulta nitong mga pinadala natin na test na ito at ito lahat ay nagbigay ng negatibo na resulta.”

Tiniyak ni Vergeire na mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga development sa nakahahawang sakit.

“We started our surveillance long before, nung nag-umpisa tayo magkaroon ng monkeypox in the other countries. So, nag-start na tayo ng surveillance natin,” aniya.

Analou de Vera