Nakapagbigay ang Philippine Red Cross (PRC) ng kabuuang 22,021 na dosis ng mga bakuna laban sa Covid-19 sa Lapu-Lapu City at bayan ng Cordova sa lalawigan ng Cebu, na nagresulta ng nasa 5,630 ganap na bakunadong indibidwal.

Ang inisyatiba na ito ay ginawa ng Mobile Bakuna Team ng PRC na bahagi ng pagtugon sa Covid-19 ng humanitarian organization sa buong bansa.

Hinikayat din ni PRC Chairman at Chief Executive Officer na si Senator Richard J. Gordon ang mga Pilipino na magpabakuna at kumuha ng booster.

“Ang Philippine Red Cross ay laging handa at laging nandyan, hanggang sa maging ligtas ang mga Pilipino sa banta ng Covid-19," ani Gordon sa isang panayam, Biyernes.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang Lapu-Lapu City ay kasalukuyang nasa ilalim ng Covid-19 alert level 1, habang ang Cordova ay nasa alert level 2.

Ang iba pang lugar ng pagbabakuna ng PRC sa Visayas ay sa Bohol, Capiz, Negros Occidental, Aklan, Bogo, Iloilo City, Cebu City, Cebu province, at Roxas City.

Nakapagbigay na ang PRC ng 1,190,940 doses ng Covid-19 vaccines at boosters sa bansa at ganap na nabakunahan ang 372,963 katao noong Hunyo 9.

Luisa Cabato