Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magtaas sila ng singil sa kuryente ngayong Hunyo sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Aabot sa 39.82 sentimos ang idadagdag na singil sa per kilowatt-hour (kWh) kaya magiging₱10.4612 na ang per KWh mula sa dating₱10.0630 noong Mayo.
Sa mga kostumer na kumokonsumo ng 200 kWh, madadagdagan ng mahigit sa₱80 ang kanilang kabuuang bill na kada buwan,₱119 naman para sa mga kumokonsumo ng 300 kWh,₱159 para sa mga kumokonsumo ng 400 kWh at₱199 para sa gumagamit ng 500 kWh.
Isinisi naman ito ng Meralco sa mas mataas na generation charge na pinatungan ngayon ng 33.13 sentimos kaya naging₱6.5590 na ang singil sa per KWh mula sa dating₱6.2277/kWh noong Mayo.
Sinabi ng Meralco na dahil sa mataas na presyo ng panggatong, nagtaas na rin ng singil angIndependent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreements (PSAs). Umabot na sa 60.83 sentimos ang itinaas sa singil ng IPPs habang 8.59 sentimos naman sa PSAs.
Matatandaang hinati-hati ng Meralco para sa tatlong buwan ang 18 sentimos na pagtaas ng kanilang generation charge. Ipinatupad ito noong Abril, Mayo at ngayong buwan.