Tuluyang nahulog sa dagat ang apat na truck matapos tumagilid ang sinasakyang cargo vessel sa Ungos Port sa Real, Quezon nitong Biyernes ng hapon.

Sa paunang ulat ng pulisya, pinoposisyon ng mga tripulante ng barkong LCT Balesin ang mga lulang sasakyan nang biglang tumagilid ito hanggang sa mahulog at lumubog ang tatlong dump truck na kargado ng buhangin, graba at steel bar at isang wing van na mayroong kargang frozen goods at steel bar.

Ang wing van ay pag-aari ng Alphaland Logistics habang ang tatlong dump truck ay pag-aari naman ng PKL Construction company.

Patungo na sana sa Polillo Island ang barko nang mangyari ang insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nailigtas naman ang 25 na indibidwal, kabilang ang 11 auxiliary workers, siyam na tripulante at limang driver.

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard ang insidente.