Itinanggi ng DagupanCity Health Office (DCHO) ang kumalat na impormasyon sa social media na nagtuturok sila ng expired na bakuna kontra coronavirus disease 2019 (Covid-19) kamakailan.
Sa pahayag ng DCHO, nagsimula ang usapin nang tumanggap ng Moderna vaccine ang vaccination team ng lungsod dakong 3:00 ng hapon ng Hunyo 6.
Ayon sa health office, ang mga naturang bakuna na idiniliber ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH) sa Dagupan City People's Astrodome ay may nakalagay na expiration date na may 23, 2022.
“While the original expiry label of Moderna Vaccine Lot#000108Areads 5/23/22 or May 23, 2022, the vaccine lot in question is with an extended shelf life. The property transfer report (PTR) provided by the DOH states that the shelf life of Moderna Vaccine Lot#000108Ais extended until July 23, 2022," paglilinaw ng DCHO.
Nilinaw ng DCHO,bagoiturok ay ipinaliliwanag munaang shelf life extension nito upang hindi mangamba ang mga tatanggap nito.
Kaugnay nito, nanawagan din ang pamahalaang lungsod na maging responsable sa pagpapakalat ng hindi panakukumpirmangimpormasyon upang hindi matakot ang publiko.