Ibinahagi ng aktor na si Matteo Guidicelli ang pakikipagpulong niya sa Italian ambassador para umano sa mas magandang Italian-Filipino relationship.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hunyo 8, ang pakikipagkita niya kay Italian Ambassador Marco Clemente, na kamakailan lamang ay nagsagawa ng courtesy call kay President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

Kasama ni Matteo ang kaniyang misis na si Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo.

"A nice morning coffee with the Italian Ambassador, Ambasciatore Marco Clemente. A fruitful conversation on strengthening The Filipino-Italian relationship. Exciting times ahead!" saad ni Matteo sa caption.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi naman idinetalye kung anong espesipikong paksa ang tinalakay nila sa naganap na pulong.

Samantala, wala pang tugon, kumpirmasyon, o pahayag ang mag-asawa sa napababalitang lilipat na sila sa GMA Network, matapos lumabas ang mga bali-balitang nakipagpulong raw ang mag-asawa kasama ang manager na si Bosing Vic Del Rosario, sa GMA executives.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/sarah-geronimo-at-matteo-guidicelli-may-negosasyon-daw-sa-gma-mag-ober-da-bakod-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/06/04/sarah-geronimo-at-matteo-guidicelli-may-negosasyon-daw-sa-gma-mag-ober-da-bakod-na-ba/