Nagpaliwanag at binigyang-linaw ni Senator-elect Robin Padilla ang kaniyang panig kung bakit hindi niya naisama si President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa kaniyang social media post noong Hunyo 5, kung saan pinasalamatan niya ang mga taong nakatulong sa pagkapanalo niya bilang senador, noong nagdaang halalan.

Inisa-isa ni Robin ang mga tao at institusyong nakatulong sa kaniya sa kampanya, kagaya nina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President-elect Sara Duterte, Senador Bong Go, at si Queen of All Media Kris Aquino, na kahit nasa UniTeam daw siya ay hindi naman nangiming tumawag sa mga kakilalang matataas na tao upang tulungan ang kaniyang kandidatura.

"Sabi ni Kris, tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya. Tinawagan niya mga matitinding governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na pasasalamat sa mga Aquino.

Hindi kailanman naging isyu sa kanya na UniTeam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot lang niya ito ng basta please help Robin for me," ani Robin.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Maraming-maraming salamat Ms. Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin. Hinding hindi kami makakalimot," dagdag pa ng bagong halal na senador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/robin-pinasalamatan-si-kris-malaki-ang-naitulong-sa-pagkapanalo-bilang-senador/">https://balita.net.ph/2022/06/09/robin-pinasalamatan-si-kris-malaki-ang-naitulong-sa-pagkapanalo-bilang-senador/

Marami umano ang 'nagalit' at nagsabing bakit si Kris Aquino ang pinasalamatan niya gayong si BBM umano na siyang standard bearer ng UniTeam ay nakalimutan niyang banggitin sa kaniyang pasasalamat.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen.

"Nabudol tayo, si Kris grabe ang pasasalamat niya pero si BBM na tunay na nakatulong sa kaniya ay di man lang pinasalamatan. We voted for you because of BBM not because you're Robin Padilla, REALTALK LANG."

"My idol Senator Robin. Nasa UniTeam BBM-SARA ka then bukambibig mo ang mga Aquino. Baka nagtimpi lang 'yang si PBBM sa'yo. If I were you Senator Robin, just keep it na lang on your own. Huwag mo nang i-broadcast pa. Maka-Marcos tayo 'di ba?"

"Kung pinost ito ni Robin before election 'di ka mag na-number 1."

"Nakakadismaya. Kung hindi lang dahil kay BBM hindi kita ibinoto. Palagay mo may hatak pa si Kris? Umay na mga tao sa kaniya at sa pamilya niya. Kung hindi ka pumasok sa UniTeam, I don't think na nag-number ka. Nawalan ako gana sa'yo, Robin."

Sa Facebook post ni Robin noong Martes, Hunyo 7, ibinahagi niya ang lumang litrato nila ni BBM noong 1990. Dito ay klinaro ni Robin na bagama't personal silang magkaibigan ni BBM ay hindi umano siya inendorso nito.

May be an image of 3 people
Larawan mula sa FB ni Robin Padilla

"Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag-endorso sa akin si incoming president Bongbong Marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap noong kampanya na hindi po ako na-endorso ng aking personal na kaibigan," ani Robin.

"Malinaw naman po na pinayagan niya ako na makasama sa UniTeam dahil personal niya akong kaibigan, at ang sulat ko po ay para kay kay Ms. Kris Aquino."

"Malinaw din po ang aking pasasalamat sa Marcos loyalist na ako ay kabilang."

"Hindi po ako maaari mag-imbento ng ganap na ako ay inendorso ni PBBM na hindi naman po naganap at ilagay sa liham na para kay Ms. Kris Aquino."

Sa kabilang banda, hindi naman daw maitatangging ipinagtanggol niya si BBM bilang isang personal na kaibigan at hindi bilang isang politiko.

"Katulad po ng sinabi n'yo, marami po akong video at liham na nagpapasalamat at nagtatanggol kay PBBM dahil 'yon ay patungkol sa aking personal na kaibigan na si Bongbong hindi 'yon pulitiko."

"Wala po kaming negotiated political alliance ni PBBM kundi sa PDP-Laban kaya wala po akong maaaring idagdag sa tunay na naganap."

"Kung hindi po sapat ang pagiging Marcos loyalist ko at pagtindig sa sinuman na mananakit sa Marcos, maging ito man ay buhay man o namayapa, pasensya na po kayo, hanggang aksyon lang ako, kulang po ako sa drama."

Iginiit pa ni Robin, "Ang politika sa akin, kailanman ay hindi magiging dahilan para saksakin ko ang laman ko."

"Ang Kaibigan ko ay Kaibigan ko."

"Magkaiba man tayo ng paniniwala."

"Hindi man kita masamahan pero kapag kailangan mo ako."

"Hindi kita iiwan."

"Napatunayan ko po 'yan hindi lang kay Ms. Kris Aquino kundi pati kay Bongbong Marcos."

"Kandidato sila o hindi."

"Bilang kaibigan, nakabantay lang ako sa likod nila, tabi nila hanggang sa taas nila, sa abot ng aking makakaya."

Ipinagdiinan din ni Robin na hindi siya "political friend".

"Politics is not real."

"Politics has no friends only personal interest."

"I am not a political friend."

"I will always be a personal friend."

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni BBM o ni Kris tungkol dito.